Nawawalang Piraso sa Jigsaw Puzzle

Mula nang gambalain ng pandemya ang mundo, isang mahalagang isyu ang tila nakalimutan na—sadya man o hindi. Ito ang pagbabantay sa pondo ng gobyerno at serbisyo gamit ang electronics.

 

Partikular sa pamamahagi ng social amelioration aids, pagbabantay sa pondo ng estado para sa Covid-19, pagbabantay sa mga overseas grants at remittances, o ang paghihimay sa anomalya sa pondo—ay ang mainam na kagamitan at maayos na teknolohiya. Kaya dapat ding napagtutuunan ito.

Sa kabila ng paglikha ng Department of Information and  Communications Technology (DICT) na isinulong ng Kongreso at tinaguriang sagot sa obligasyon ng pamahalaan na makasabay sa bugso ng global electronic advancement, hindi nito natugunan ang matinding kakulangan sa ating bansa.

Mula nang maitatag ang DICT sa ilalim ng Republic Act Blg. 10884 na nilagdaan noong Mayo 20, 2016 ni dating Pangulong Benigno Aquino III, nakitaan ng pag-aatubili ng kasalukuyang administrasyon upang lubusang mapakinabangan ang potensyal ng ahensya na nagbibigay ng suspensyon na hindi dapat purihin ang anumang may kaugnayan sa nakalipas na administrasyon.

Isang patunay sa pag-aalinlangang ito ang pagtatalaga ng isang acting DICT secretary. Kinakailangan pang hintayin ng Pangulo ang pagtatapos ng termino ni Sen. Gregorio Honasan na isang residente ng Davao dahil sa pag-aari nito ng bahay sa sikat na Ladislawa Subdivision.

Sa mga nakalipas na taon, makailang ulit nang naging laman ng balita ang DICT. Nang magkaroon ng imbestigation sa isyu na nakaapekto sa ikatlong telco player, isa ito sa mga nanguna upang bigyan ng paglilinaw ang isyu na nakakaapekto sa interconnectivity.

Nabalita rin ang ahensiya nang lumitaw ang isyu hinggil sa mabagal na Wi-Fi connection. Gayunman, sa kabuuan, ang DICT na dapat bilangin bilang isa sa nawawalang piraso ng jigsaw puzzle sa burukrasya ay hindi nakasasabay sa dapat nitong tungkulin.

Maaaring may kinalaman ito sa madalang na publicity. Ngunit ang totoo’y hindi naman ito ang aktibong nakikibahagi sa publiko sa paraang tulad ng ginagawa ng National Bureau of Investigation sa pagsiwalat at pagbubunyag sa mga online scams.

Bagama’t totoo naman na wala tayong access sa pagbabagong ipinatutupad sa loob ng DICT, dapat itong mabatid ng publiko bilang bahagi ng transparency—kung anu-ano ang mga nangyayari: gaya ng isinapublikong National Business One-Stop Shop, free countrywide public Wi-Fi connectivity, national ID system—at sa mga susunod na linggo, ang malabong blended learning ng Department of Education.

Sa status ng ahensya, dapat itong umangat mula sa mababang puntos na nakukuha nito. Para sa isang bansang sinasabing “next Asian economic miracle,” higit na malaki ang upang mapaunlad ng DICT ang ranggo ng bansa sa world of connectivity.

Ngunit ang dapat mauna’y ang tanggapin ng liderato ni Duterte ang katotohanang ang DICT ay hindi imbensyon ni Pangulong Aquino kundi isang inisyatibo ng Kongreso.