Ang mga bata

NILAY NILAY

“Ang relihiyon na dalisay at walang dungis sa ating Dios at Ama ay ito: pagtulong sa mga ulila.”—Santiago 1:22–27

Isang araw, may mga batang pumunta sa isang bahay-ampunan. Pagkatapos nilang bumisita roon, may isa sa kanilang halatang nalungkot. Ang batang iyon ay nakatira noon sa bahay-ampunan na nasa ibang bansa.

Naaalala raw niya noong may bumibisita sa kanila sa bahay-ampunan. May mga bumabalik daw para mag-ampon pero hindi daw siya napipili. Tinatanong daw niya ang kanyang sarili kung bakit walang gustong umampon sa kanya.

Kapag may binibisita silang bahay-ampunan, naaalala ng batang iyon ang nararamdaman niya noong nasa bahay-ampunan pa siya. Kaya idinalangin siya ng mga kasama niya.

Pinasalamatan din nila ang Dios dahil may umampon sa kanya at itinuring siyang anak.

Ang pag-aampon sa kanya ay magandang ipagsaya. Naramdaman ng batang iyon na may nagmamahal sa kanya at nagbigay ito sa kanya ng pag-asa.

Maraming mga bata sa buong mundo na hindi alam na mahal sila ng Dios kaya kailangan itong ipaalam sa kanila (Mat 18:4–5; Mar 10:13–16; San 1:27).

Hindi natin kayang ampunin o bisitahin ang mga batang iyon at hindi naman inaasahan na dapat nating gawin iyon pero maaari tayong magbigay sa kanila ng tulong o kaya naman ay idalangin sila.

Kapag minamahal natin ang mga bata, pinararangalan natin ang Dios Ama na nag-ampon sa mga nagtitiwala sa Kanya (Gal 4:4–7).—Dave Brannon

Kapag nalaman natin kung gaano tayo kamahal ng Dios, mas lalo natin itong maipapadama sa ating kapwa. Pagkaing Espiritwal.*