Luha ng pasasalamat

NILAY NILAY

“Ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa dumating Siya.”—1 Cor. 11:23–32

May pinuntahan kaming isang pagtitipon ng mga nagtitiwala kay Jesus. Makikibahagi kami sa kanila sa pag-alaala sa kamatayan ng Panginoong Jesus sa pamamagitan ng pagkain ng tinapay at pag-inom ng katas ng ubas.

Sinabi ng mga namumuno doon na lumapit kami sa mga lider na nasa harapan para kumain kami ng tinapay at uminom ng katas ng ubas.

Nang pumunta na kami sa harapan, sinabi sa amin ng lider na nag-abot ng tinapay at katas ng ubas. “Namatay si Jesus para sa iyo.”

Sa sinabi nilang iyon, damang-dama namin ang ginawa ni Jesus para sa atin. May mga umiyak at mga luhang iyon ay luha ng pasasalamat.

Ang pagluha habang inaalala ang kamatayan ng Panginoong Jesus ay bunga ng ating pasasalamat sa pag aalay Niya ng Kanyang buhay para sa atin.

Inaalala natin dito ang pagmamahal at paghihirap Niya para sa atin. Inaalala natin dito ang pagmamahal at paghihirap Niya para sa atin.

Hindi isang ritwal lamang ang pag-alala sa kamatayan ni Jesus. Pagkatapos ituro ng apostol na si Pablo ang layunin ng pagpipira-piraso ng tinapay at pag-inom ng katas ng ubas, binigyang-diin niya ang kanyang itinuro sa pammagitan ng pagsasabi nito: “Tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom ng inuming ito, ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa Kanyang pagbabalik” (1 Corinto 11:26 ASD).

Kung minsan, naipararating ng pagluha ang mga hindi natin kayang sabihin.—Bill Crowder

Hindi kayang tumbasan ng salita ang pag-ibig na ipinakita ni Jesus nang namatay Siya sa krus para sa atin. Pagkaing Ispiritwal.*