NILAY NILAY
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon.
“Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na nagawang tiwali ni Satanas.
At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik na sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na lupain.”
Mula dito nauunawaan natin na upang malutas ang malalim na nakaugat na satanikong disposisyon sa tao at ganap na palayain ang tao mula sa mga gapos ng kasalanan, kinakailangang bumalik ng Panginoon sa mga huling araw upang maisagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos, at upang ipahayag ang mga katotohanan upang linisin at mailigtas ang sangkatauhan.
Sa katunayan, matagal na itong naipropesiya ng Panginoon, tulad ng sinasabi sa Bibliya: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12–13).
Sa batayan ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, ang Makapangyarihang Diyos ay isinasagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos, at ipinapahayag ang lahat ng mga katotohanan para sa paglilinis at pagliligtas sa sangkatauhan upang malutas ang makasalanang kalikasan ng tao ng lubusan at palayain siya mula sa mga kadena ng kasalanan, dinadalisay siya, hanggang sa huli ay makamit siya ng Diyos at humantong sa kaharian ng Diyos.
Ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay kumpletong tinutupad ang mga propesiyang ito. Ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw ay tatanggap ng pagdadalisay at kaligtasan ng Diyos.
Lahat sila ay magkakaroon ng pagkakataong maging mga mananagumpay bago dumating ang mga malalaking sakuna, upang luwalhatiin kasama ng Diyos, at ma-rapture sa kaharian ng langit. Kaya paano hinahatulan ng Makapangyarihang Diyos at nililinis ang mga tao at pinapalaya sila mula sa mga gapos ng kasalanan?
Sabi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, “Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa.
Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat mabuhay nang normal ang tao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa.
Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos.
Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao.
Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos” (“Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Our Daily Bread, 2020