Mga kaugalian ng mga Pilipino Noon at Ngayon,may pinagbago ba?

Maiuugnay ko ang artikulong ito sa pagbabasa ng Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino, Mga
Kuwentong Barbero ni Bob Ong, isang napakagandang libro kung saan inilalarawan nito ang mga kaugalian ng mga Pilipino noon at ngayon.

Ang librong ito ay ginawa ng isang ‘batang 90s’ kung saan matatawa ka sa mga pinagbagong kaugalian nating mga Pilipino kagaya na lamang ng pagkahilig ng halos lahat ng mga tao sa pakikinig ng radyo sa umaga, kasabay ang mainit na kape at pandesal. Ngayon, bihira mo na lang makikita sa isang bahay sa siyudad ang pakikinig ng radyo lalo na sa mga kabataan na Facebook, Instagram at Tiktok ang naging almusal sa umaga.

Maalala pa natin dati ang pag aanunsyo ng walang pasok sa radyo ay sadya namang inaabangan at ngayon hindi na ito masyado inaanunsyo dahil sa malawakang impluwensya ng social media.

Malaki din ang pinagbago ng mga kaugalian ng mga mag-aaral noon at ngayon, kagaya noon na ang mga kabataan ay malayang nakakapaglaro sa labas pagkagaling sa paaralan ngunit ngayon mas stress sa mga schedules ang mga kabataan sa dami ng kanilang sinasalihang organisasyon at mga sinasalihang co-curricular activities kagaya ng piano lesson, swimming lesson, paggawa ng mga projects, thesis, defense, field trips, trainings, seminars at marami pa.

Sa mga laro pa lamang ng mga kabataan noon ay masaya na sa saranggola, jackstones, taguan, piko, sipa, chinese garter, sungka at marami pa. Ngayon, halos lahat ng kabataan ay nakatutok sa computer, cellphones, tablets and TVs na wala namang naidudulot ng mabuti.

Kung maalala din natin noon nauso ang mga laruang Game Boy, Crush Gear, Beyblade, Nintendo, Barbie doll, Ring Toss at mga larong Super Mario, Tetris, Pacman, Space Impact at Snake sa Nokia 3310 cellphone na noon ay para lamang sa mga may kaya sa buhay.

Maniniwala ka pa ba ngayon na dati ay napaniwala tayo sa mga pamahiing, ‘paghinakbangan mo ang bata, hindi na ito tatangkad’;‘magkakaroon ka ng kulati sa mata kung ikaw ay namboso sa taong naliligo;, ‘malas ang pusang itim sa kalsada’; ‘wag dumiretcho sa bahay pagkagaling sa patay’; ‘bawal magwalis sa gabi dahil lalabas ang swerte’ at napakarami pa. Ito’y mga pamahiin na nagmula pa sa ating mga ninuno at sinusunod talaga ng karamihan noon na sa
ngayon ay nababago na at nakakalimutan na ng panahon.

Malaki na din ang pinagbago ng paraan ng pagtitinda o pagbebenta ng mga produkto o gamit. Sa panahon ng ating mga ninuno, ang pagbabarter o pagpapalit ng kanilang mga produkto ay ang tanging paraan upang sila ay magkaroon ng mga pansahog sa mga pagkain o di kaya’y kapalit ng mga damit dahil hindi pa naman ginagamit masyado ang pera noon. Kailangan pa ng mga ito bumaba sa bundok para makipag barter ng kanilang mga produkto,
ngayon nauso ulit ito at gamit na ang social media sa pag papalit ng mga pinaglumaang gamit sa groceries at kung ano-ano pang mapakinabangan.

Dati, nagagawa pa talaga nating makipagsiksikan sa mga palengke o mga malls upang makakuha ng mga produkto na mas mababa ang presyo, ngayon patok na patok ang online shopping kung saan lahat na pwedeng mabili online, kahit sasakyan kaya nang ipadeliver online. Pati pagkain sa panahon ngayon online na rin ang pamimili.

Sa aking opinyon, hindi masama ang pagbabago sa ating kaugalian dahil sadyang nababago talaga tayo ng panahon, ngunit naalala ko din ang mga panahon na hindi ko kailangan ng cellphones nung ako’y bata upang maging masayahin at makuntento sa kung ano lang ang mayroon noon. Sa panahon ngayon, kailangan talaga nating matuto ng mga bagay na bago at kapakipakinabang sa atin, ngunit dapat tayong makontento din sa kung anong meron tayo
ngayon at matutong huwag humangad ng subra dahil ang subra ay nakakasama din. Linangin natin ang ating mga sarili at magtiwala sa ating kakayahan. Pinoy ako, Pinoy tayo!